2 sundalo bumulagta sa NPA

PATAY ang dalawang sundalo ng 98 Infantry Battalion (IB) matapos makasagupa ang pinaghihinalaang New People’s Army (NPA) sa bundok ng tri-boundary ng Kalanga-Apaya at Abra kamakalawa.

Ayon kay Philippine Army 5th Infantry Division (ID) spokesperson Capt. Rigor Pamitta, nagsasagawa ng focused military operation ang grupo ng militar nang biglang nagkaroon ng engkwentro sa mga rebelde.

Ayon sa military report, sinabi ni Pamitta na tumagal ang bakbakan ng halos 20-minuto.

Sinabi ng opisyal na hindi pa pinangalanan ang mga nasawing sundalo dahil patuloy pa rin ang koordinasyon sa kanilang pamilya upang maipagbigay alam ang insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga militar kung saang grupo ng NPA kabilang ang kanilang mga nakasagupa at kung ilan ang bilang ng mga ito na mabilis tumakas matapos ang engkuwentro. (Allan Bergonia)

The post 2 sundalo bumulagta sa NPA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments