Barangay kapitan inambus sa trak

Nasawi ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tanden habang nagmamaneho ng kanyang truck sa bayan ng Rizal, Cagayan, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Rizal Police Station ang biktima na si Robert Cauilan de Ocampo, 50, chairman ng Barangay Anurturu, ng nasabing bayan.

Sa report ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang trak alas-3:06 ng hapon nang bigla siyang harangin ng dalawang suspek na sakay sa motorsiklo.

Napahinto ang sasakyan ni De Ocampo at dito’y walang sabi-sabi na ring bumunot ng baril ang angkas ng motorsiklo at niratrat ang biktima sabay takas.

Agad na itinakbo sa ospital ang biktima ngunit siya ang dead-on-arrival na.

Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga pulis laban sa mga suspek at inaalam kung ano ang motibo sa pagpaslang. (Allan Bergonia)

The post Barangay kapitan inambus sa trak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments