Diokno atat na BIR gawing digital

Inutusan ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na bilisan na ang digitalization ng ahensiya para mapalakas ang koleksiyon nito ng buwis.

Sa isang pahayag, sinabi ni Diokno na lalakas ang koleksiyon ng BIR sa digitalization dahil mapagaganda nito ang tax administration at hindi na kakailanganin ang discretion ng mga tauhan nito.

Ngayong taon, inaasahang umabot sa P2.43 trilyon ang koleksiyon ng BIR, mas malaki kaysa sa P2.08 trilyong koleksiyon noong 2021.

Bumagsak ang koleksiyon ng pamahalaan nang tumama ang pan­demya at pangungutang ng mas marami ang na­ paraan para matustusan ang mga gastusin.

Sa normal na taon, mas malaki rin ang ginagastos ng pamahalaan kaysa sa nakokolekta kaya’t tuloy-tuloy na nadadagdagan ang utang ng bansa. (Eileen Mencias)

The post Diokno atat na BIR gawing digital first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments