Karnaper na bebot timbog, 1 pa nakorner sa traffic

Swak sa piitan ang 22-anyos na babae na wanted sa kasong carnapping sa Malabon City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat kay Navotas Police chief P/Col. Renante Pinuela, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa kanilang nasasakupan ang akusado na kabilang umano sa mga Most Wanted Person ng Malabon City Police Station dahil sa kasong paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.

Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas police at naaresto ang bebot sa Barangay Tangos South, alas-6:20 ng gabi.

Samantala, nakorner naman ang 44-anyos ding karnaper nang tangayin ang taxi ng hinoldap na driver at maipit sa trapiko sa Cubao, Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director, P/Col. Randy Glenn Silvio, ang nadakip na si alyas “Tammy,” 44, taga-Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Joy Lenaza, hepe ng Cubao Police Station (PS 7), alas-6:50 ng umaga noong Pebrero 1, sumakay ng taxi ang suspek sa Road 3, Mindanao Avenue, at inutusan ang 64-anyos na taxi driver na ihatid siya sa Araneta City.

Pagdating sa Imperial St., sa Brgy. E. Rodriguez, bumunot ng ice pick ang suspek, tinutok sa taxi driver at nagdeklara ng hold-up.

Nang makatiyempo ang driver ay bumaba ito sa taxi, na agad namang pinaharurot ng suspek.

Humingi ng saklolo ang biktima, na naging dahilan upang habulin ng mga nakamotorsiklo ang tumatakas na suspek, na dahil sa traffic ay tuluyang nakorner ng mga nagpapatrulyang mga operatiba ng PS 7. (Dolly Cabreza)

The post Karnaper na bebot timbog, 1 pa nakorner sa traffic first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments