Kelot bumulusok sa NAIA, tigok

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad upang matukoy kung sadyang nahulog, tumalon at may foul play sa pagkamatay ng isang lalaki na nahulog sa labas ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sa inisyal na report, bumagsak ang lalaki mula sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 at bumagsak sa hagdanang may taas na 30 talampakan sa opisina ng Assistant General Manager Emergency Services (AGMES) sa arrival area kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, may hinatid lang na pasahero sa naturang terminal ang lalaki kung saan may nakapansin umano na balisa at palakad lakad. Pagdaka’y bigla na lamang tumakbo paakyat sa West side railing ng departure level, nagdasal at saka tumalon.

Isinugod ito sa pinakamalapit na pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival matapos mabagok ang ulo at mabalian ng mga buto.

Sinisilip ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV camera. (Otto Osorio/Betchai Julian)

The post Kelot bumulusok sa NAIA, tigok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments