P2K monthly allowance ng mga guro itinulak

Sa unti-unti nang pagbubukas ng face-to-face classes, itinutulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang panukalang bigyan ng P2,000 allowance kada buwan ang mga guro na libre-buwis upang mapunan umano ang mga gastusin nito.

Sa House Bill No. 3543 na inihain ni Duterte kasama si Benguet Rep. Eric Yap, nakasaad na dapat i-institutionalize na ang pagbibigay ng P2,000 ‘Teaching Supplies Allowance’ para sa lahat ng public school teachers sa basic education sector.

Naging dagdag hirap pa umano sa mga guro ang gastusin para sa mga supply na madalas sariling pera nila ang ginagamit o ginagastos.

Dahil dito, nakapaloob sa panukala ang pagbibigay P2,000 cash allowance sa mga guro kada buwan na libre mula sa income tax. (Eralyn Prado)

The post P2K monthly allowance ng mga guro itinulak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments