Nilinaw ni Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla na saklaw ng tungkulin ni San Pablo City Acting Vice Mayor Shaira Aliyah Diaz ang pagiging presiding officer ng Sangguniang Panlungsod.
Ginawa ni Remulla ang pahayag kaugnay ng isyu sa awtoridad ni Diaz matapos suspindihin ng Ombudsman sina Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr. at Vice Mayor Justin Colago.
Dahil kapwa suspendido ang mayor at vice mayor, umiral ang order of succession sa usapin.
Naging acting mayor si First Councilor Carmela Acebedo, habang si Second Councilor Diaz ang itinalagang acting vice mayor.
Sa kanyang programa sa radyo, inusisa si Remulla sa isyu dahil ilang miyembro ng konseho ang tutol umano at iginigiit na hindi kasama sa tungkulin ni Diaz na pamunuan ang konseho dahil sa acting capacity nito bilang bise alkalde.
“Kasama sa tungkulin niya yan. Acting vice mayor siya kaya siya rin ang presiding officer,” giit ni Remulla.
Bahagi ng usapin ang DILG Opinion No. 10, s. 2025 na tumalakay sa isang acting vice mayor na itinalaga habang naka-leave ang halal na vice mayor.
Iginiit naman ni Diaz na iba ang kanyang sitwasyon dahil nagkaroon ng vacancy dahil sa preventive suspension ng halal na vice mayor at ang kanyang pagkakatalaga ay batay sa order of succession.
Noong Agosto 25, pormal na itinalaga ng DILG si Diaz bilang acting vice mayor at binigyan siya ng kapangyarihan at tungkulin ng vice mayor hanggang matapos ang vacancy alinsunod sa umiiral na batas at mga patakaran.
The post Diaz legit na acting vice mayor, presiding officer -Ombudsman first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments