Pagtatayo ng virology institute, lunas sa mga sakit

Ikinagalak ni San Jose del Monte City (SJDM) lone district Rep. Florida “Rida” Robes ang pagkaka-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng panukalang pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP).

Matatandaang kabilang ang pagtatayo ng virology institute sa mga hiniling ni dating Pangulong Rodrigo Dutere sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) gayundin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang unang SONA noong nakaraang buwan.

Kasama si Robes sa hanay ng mga mambabatas na nagtutulak na makapagpatayo ang bansa ng isang virology insistute kung saan ay magde-develop dito ng mga bakuna na pangontra sa pandemya tulad ng COVID-19 at iba pang public health emergency.

Sinabi ni Robes na hakbang na ito para mapagtuunan ang pagpapaunlad at pananaliksik sa virology science at technology applications sa mga halaman o tanim, hayup at tao.

Suportado ni Robes ang pahayag nina Duterte at Marcos na bukod sa makatitipid, hindi na rin kailangang ligawan ng pamahalaan ang ibang bansa para makasingit at makabili ng bakuna.

Samantala’y pursigido si Robes na mapagtibay sa pagiging batas ang 23 panukalang batas na kanyang naihain sa Kamara. Sa pagbubukas ng Kamara noong nakaraang buwan, umabot sa 2,400 panukalang batas ang nabasa sa plenaryo para sa unang pagbasa.

Napanatili rin ni Robes ang pagiging chairperson ng House Committee on People’s Participation na kanyang pinamunuan mula sa 18th Congress.

The post Pagtatayo ng virology institute, lunas sa mga sakit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments