PBBM dumalaw kay Macoy pagkalibing ni FVR

Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang puntod ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr. matapos dumalo sa libing ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kahapon.

Batay sa inilabas na larawan ng News and Information Bureau ng Malacañang, dumaan ang Presidente sa puntod ng kanyang ama at nag-alay ng dasal para dito pagkatapos ng seremonya sa state funeral na ibinigay kay FVR.

Hindi kasama sa schedule ng Pangulo ang pagdalaw sa puntod ng kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani subalit sumaglit ito para makita at mabisita ang himlayan ng dating Presidente.

Ang puntod ni dating Pangulong Marcos ay nasa lilim ng isang malaking puting tent at naka-display ang malaking larawan nito at sa ulunan ng puntod ay ang rebulto nito.

Matatandaang inabot ng ilang dekada bago tuluyang nailibing si dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil sa matinding pagtutol ng anti-Marcos groups. (Aileen Taliping)

The post PBBM dumalaw kay Macoy pagkalibing ni FVR first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments