PS-DBM pinabubuwag ng Kamara

Inihain sa Kamara ang panukala na buwagin ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa gitna ng mga kuwestyonable umanong transaksyon nito.

Sa House Bill 3270, binanggit ng mga may-akda na sina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Rep. Raoul Manuel ang mga anomalyang kinasangkutan ng PS-DBM gaya ng pagbili nito ng face shield at face masks sa gitna ng COVID-19 pandemic, at ang mahal na pagbili umano sa mga outdated na laptop para sa mga guro ng pampublikong paaralan

Sa ilalim ng panukala, ang mga apektadong empleyado ay bibigyan ng benepisyo alinsunod sa batas at ang mga kuwalipikado na magretiro ay maaari upang makakuha ng retirement benefits.

Nakasaad din sa panukala ang pagsasagawa ng Commission on Audit (COA) ng special audit sa mga transaksyong pinasok ng PS-DBM at ang pagsusumite ng report nito sa House Committee on Good Government and Public Accountability at Senate Accountability of Public Officers and Investigations. (Billy Begas/Eralyn Prado)

The post PS-DBM pinabubuwag ng Kamara first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments