6 mangingisda tinangay ni `Karding’

PINAGHAHANAP ngayon ang anim na mangingisda sa Camarines Sur na naiulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyong Karding.

Sa report, ang mga mangingisdang sinasabing nawawala ay mula sa Barangay Caranan, Pasacao sa Camarines Sur.

“We are still verifying a report from Camarines Norte Region 5 wherein they reported six missing fishermen, still subject for verification,” sinabi ni NDRRMC deputy spokesperson Raffy Alejandro.

Naunang sinabi ng Civil Defense Bicol, na iniulat ng Camarines Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagkawala ng nasabing mangingisda mula sa Mercedes. (Kiko Cueto)

The post 6 mangingisda tinangay ni `Karding’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments