Tren sumabit sa crane, 3 nadale

Sugatan ang tatlong katao kabilang ang isang lola nang masagi ng isang coach ng Philippine National Railways (PNR) ang isang crawler crane kamakalawa ng umaga sa northbound lane ng Antipolo railroad track sa may G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila.

Isinugod sa Chinese General Hospital ang pasaherong si Esperanza B.Mozo, 68, biyuda, nakatira sa Brgy San Antonio Village Makati City; Ronnel Jay Bajaro, conductor ng tren at Melfarzar Delos Santos y Sisno, operator ng tren.

Sa imbestigasyon ni PCpl Eric Jay F Despabiladero, ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) naganap ang insidente alas-8:35 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Nasa northbound lane ang locomotive train nang masagi ang crawler crane na nagtatrabaho sa lugar.

Sa impact ay nasugatan ang tatlo at mabilis na isinugod sa pagamutan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng MDTEU kaugnay sa insidente. (Juliet de Loza‐Cudia)

The post Tren sumabit sa crane, 3 nadale first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments