727 malubha sa coronavirus, 300 todas

Nasa 727 pasyente na malubha at kritikal sa COVID-19 ang kasalukuyang naka-admit sa mga ospital matapos tamaan ng naturang virus, ayon sa ulat ng Department of Health nitong Lunes, Setyembre 12.

Nakapagtala naman ang ahensiya ng 300 na nasawi makaraang dapuan ng COVID-19 at 21 sa mga ito ang nangyari umano noong Agosto 29 hanggang Setyembre 11.

Mayroon namang 15,379 bagong kaso ang naitala sa buong bansa mula Setyembre 5 hanggang 11.

“Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,197, mas mababa ng 10 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 29 hanggang Setyembre 4,” sabi ng DOH.

Dagdag pa ng ahensiya na higit 72 milyong indibiduwal o 93.18% na ng target na populasyon ang bakunado.

The post 727 malubha sa coronavirus, 300 todas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments