Vergeire: 20M COVID bakuna na-expire sa bodega

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mahigit 20 milyong dose ng bakuna laban sa COVID-19 ang nag-expire.

Sa budget hearing ng Kamara nitong Lunes, Setyembre 12, sinabi ni DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na malaking bahagi ng mga nag-expire na bakuna ay binili ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Itinanong naman ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, senior vice chairperson ng House committee on appropriations, ang eksaktong bilang ng mga nag-expire at sumagot si Vergeire na nasa 20,669,354 dose ng bakuna hanggang noong Agosto 12, 2022.

Sinabi ni Vergeire na 12 milyon sa mga nag-expire na bakuna ay nasa national warehouse at nakakalat naman ang iba pa sa mga regional warehouse.

DOH bibili pa ng bakuna

Samantala, sinabi ni Vergeire na pinaplantsa na rin ng DOH ang pagbili ng bagong bakuna na epektibo laban sa bagong variant ng COVID-19.

“We are already in the process of discussion with manufacturers of new generation COVID-19 vaccines targeting Omicron and the original strain of COVID-19,” ayon kay Vergeire.

Ayon kay Vergeire, may isang manufacturer na tinatapos na lamang ang registration for approval sa Estado Unidos at hinahanda na nila ang term sheet.(Billy Begas/Eralyn Prado)

The post Vergeire: 20M COVID bakuna na-expire sa bodega first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments