Anthony kapamilya na ng Villar TV: Napakamura ko pa lang para lumisan sa telebisyon

NI: ROLDAN CASTRO

Lumalaki na ang roster of broadcast personalities ng Advanced Media Broadcasting System’s (AMBS) ALLTV.

Pumirma ng kontrata si Anthony

Taberna kina AMBS President Maribeth Tolentino, AMBS General Counsel Atty. TJ Mendoza, AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora sa Mella Hotel kamakailan.

Kasama ni Ka Tunying ang kanyang misis at Outbox Media’s top executive, Rossel Taberna..

“We welcome Mr. Anthony Taberna to our family. Ka Tunying’s intelligent insights on radio and TV make him one of the trusted news personalities in the country. He gives our public interesting views, news scoops, and entertaining programs, making him fit for ALLTV,” pahayag ni Tolentino .

Sey naman ni Anthony, “Thank you po sa pamilya ng AMBS dahil pamilya nyo na ako ngayon. Salamat po sa tiwala ninyo sa akin. Alam ninyo, pinag-uusapan nga namin ng aking boss – ang aking misis – kung ano ang maiiambag natin sa larangan ng telebisyon… sabi niya sa akin, 48 years (old) pa lang naman ako sa January….Kumbaga ay napakamura ko pa lang po para lumisan sa larangan ng telebisyon.”

Excited na si Ka Tunying sa partnership niya sa ALLTV.

“Ang pagsimula po ng aking pang-40 na taon sa pamamahayag, kasama ko po ang AMBS-ALLTV,” sambit niya.

The post Anthony kapamilya na ng Villar TV: Napakamura ko pa lang para lumisan sa telebisyon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments