Sa iniskor na 33 ni Mikko Noel, naging matatag ang De La Salle Zobel (DLSZ) hanggang sa dulo upang maihirit ang isang nakakakilig na 93-90 overtime win kontra University of Santo Tomas at mahablot ang tansong medalya sa boy’s 15-under division ng Milcu Sports Got Skills Basketball Tournament noong nakaraang katapusan ng linggo sa Greenhills West Gym.
May mainit na 12-of-19 shooting si Noel bago na-foul out sa pasiklab ng opensa habang si David Dizon ang umararo sa extra period upang dalhin ang Junior Archers sa tagumpay na naghahanda para sa 89th UAAP U-16 Junior High School boys event sa August.
Umarangkada si Dizon sa sinalpak na walo sa 11 puntos ng DLSZ sa overtime upang selyuhan ang panalo para kina coach Hyram Bagatsing, assistants LA Revilla, David Webb, at Thomas Torres.
Bago sumabak sa Tiger Cubs, pinagtataob ng Jr. Archers ang pitong laro ng elims saka ang 71-74 tilapon kontra San Beda University-Rizal noong April 12 sa semis.
Ang Red Cubs, gayunpaman, nabigong mapitas ang lahat, tinambakan pangtitulong sagupaan ng San Beda College-Alabang, 76-54.
Ang iba pang mga instrumento ng DLSZ sa podium ay sina Alfonso Mercado at Andrei Francisco samantalang sina Iggy De Lara at Enzo Montes ang mga nagbigay ng ilang de-kalidad na minuto at lakas sa depensa.
Nag-ambag si Mercado ng 17 points sa halos 30 minutong salang, may 12 si Francisco sa malakas na pakikipagbuno sa ilalim at iparamdam ang kahandaang makabawi sa UAAP mula sa pagkabokya sa panalo sa 14 na laro ng team noong isang taon. (Abante Tonite Sports)
The post Mikko Noel binalikat ang DLSZ sa basketball 15-under bronze first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments