Cua, Aquino wow sa Digos

Pinangatawanan ni Dhea Cua ang palagay sa kanya sa girls’ 14-U habang binalewala ni James Aquino ang pagkadehado sa boys’ 16-U nang pangunahan nila ang mga namayagpag sa inulan nang gulatan noong Linggo na PPS-PEPP Rep. John Tracy Cagas National Age Group Tennis Championships sa Digos, Davao del Sur.

Pero sumablay sina Cua at Aquino na makumpleto ang dobleng tagumpay nang mga kapusin sa 16- at 18-U finals, ayon sa pagkakasunod. Sila pa rin ang mga naging Most Valuable Player dahil sa 1-2 pagtatapos sa Group 2 tournament sa Digos City Tennis Club’s hard courts.

Nakapagpahulagpos lang si top-seeded Cua, 14, ng tatlong puntos sa tatlong laro sa dominasyon sa kanyang age group, tampok ang 6-2, 6-0 pagtaob kay Aika Salahuddin sa finals. Dehins lang umubra ang papasikat na tenista ng Kidapawan City laban kay Chelsea Bernaldez ng Tagum City, 6-4, 3-6, 14-12 sa 16-U championship.

Pinaggigimbal ni seventh-ranked Aquino, ng Tagum din, sina No. 2 Randy Pausanos, 6-2, 6-2, sa semis, at top seed Josh Lim, 6-1, 6-0, para makopo ang boys’ 16-U plum sa matagal nang naghahanap ng talentong okasyon na hatid ng Palawan Pawnshop.

Pero isinuko ni Aquino ang boys 18-U finals kontra Jude Padao ng Digos din, 6-3, 6-7 (4), 10-6. Ginulantang ng local bet si No. 1 Vince Serna, 2-6, 6-0, 10-4, sa semis, binulaga ni Aquino si No. 6 Derek Napala, 0-6, 6-3, 10-8.

“Seeing the players’ playing standards improving and fresh faces emerging only inspires us to continue providing these youngsters a regular circuit to develop and harness their skills and talent,” suma ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

Inuga ng isa pang pambato ng lokal na si Stephen Fuertes si top-ranked Lim sa 14-U semis, 6-4, 6-3, at si No. 4 Jason Battad, 6-1, 7-5, para makahablot ng titulo, samantalang umiskor si No. 4 Angel Vosotros ng Lanao del Norte ng 7-5(ret.) win kay third seed Juliana Carvajal, mula sa host city, sa premier girls’ division finals.

Sorpresang binutata ni unranked Princess Placa si No. 1 at kapwa taga-Digos Digos na si Clausxie Flores 6-, 6-0, sa girls’ 12-U kasama si Pigcawayan, Cotabato’s Julius Otoc na tinumba si Carl Eduarte ng Kidapawan, 6-1, 7-6 (5), para sa boys’ crown ng youngest age category ng event na pinagkaabalahan ni Gov. Cagas at mga sinuportahan ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating).

Samantala magagawi sa Puerto Princesa City ang torneo sa Setyembre 20-30 para sa Juniors at Open, kasama ang Legends sa Karawatan PPS tennis courts.

Sa mga detalye pa, kontakin si event organizer at Sports Program Development director Bobby Mangunay sa 0915 404 6464. (Ramil Cruz)

The post Cua, Aquino wow sa Digos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments