Movie produ Atty. Honey may misyon sa OWWA

NI: ROLDAN CASTRO

Marami ang nagtatanong kung kakayanin ba ng movie producer , lawyer na si Mary Melanie “Honey” Quiño ang mga hamon na dala ng kanyang posisyon. Itinalaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos bilang Deputy Administrator ng OWWA.

Nasa utak at puso na ni DA Honey ang makatulong sa kapwa kahit noong siya pa ay nagpa-practice privately bilang isang lawyer at film producer. Ang kaibahan nga ay ang sakop ng kanyang matutulungan na mas malawak ngayon at ang kasama nga dito ay ang ating mga OFWs.

“Dati kasi, itinayo namin ang A&Q Entertainment & Primestream, Inc., A&Q Production Films at AQ Prime para matulungan ang mga filmworkers na nawalan ng trabaho dahil sa paghina ng mga nanonood sa sinehan,” bungad ni DA Honey.

“Kaya noong pandemic, napagdesisyunan ko na gumawa ng pelikula para makatulong sa movie industry.”

Kung nagawa nga niyang tumulong sa isang sector ng lipunan, mas natutuwa siya sa posisyon niya ngayon dahil lumawak ang coverage ng kanyang matutulungan. Lalo pa nga at sa mga OFWs siya ngayon nakatuon na nakakalat sa buong mundo. ‘Yun ang kanyang misyon ngayon sa OWWA at ito ay palawakin ang serbisyo hindi lamang sa iilan kundi sa nakakarami.

“Hindi ko nga na-imagine na mapupunta ako dito sa OWWA at laking tuwa ko na makasama si Administrator Arnell Ignacio dahil bukod sa very inspiring siya ay marami akong natutuhan sa kanya,” sambit ni DA Honey.

“Fulfilled at satisfied naman ako dahil natural high para sa akin ang makatulong,” pagtatapos niya.

The post Movie produ Atty. Honey may misyon sa OWWA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments