DepEd binaha ng reklamo vs abusong guro

Dumagsa ang mga natatanggap na reklamo ng Department of Education (DepEd) na ay kinalaman sa physical abuse o corporal punishment ng mga mag-aaral mula nang ilunsad ng ahensiya ang kanilang email at hotline noong nakaraang linggo.

“Mas marami nag-e-email. Ang karamihan ng complaints na natanggap namin would be more on corporal punishment,” sabi ni DepEd spokesperson Michael Poa sa isang press briefing nitong Huwebes.

“Ikinagagalak po naming na they really used `yung ating announced last week na email address and hotlines,” dagdag pa ng opisyal.

Subalit may proseso aniya sa pagtugon sa mga natanggap nilang reklamo tulad ng direktang koordinasyon sa mga nagrereklamo gayundin sa mga regional office ng DepEd para sa beripikasyon at dagdag pang imbestigasyon.

Tumanggi naman si Poa na magbigay pa ng detalye tungkol sa mga reklamong natanggap nila dahil tinuturing ang mga ito bilang confidential. (Vick Aquino)

The post DepEd binaha ng reklamo vs abusong guro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments