Work from home tuloy sa mga call center

Mistulang tumiklop si Finance Secretary Benjamin Diokno matapos nitong payagang manatili ang mga business process outsourcing (BPO) sa work-from-home (WFH) option habang inililipat ang kanilang registration mula sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) patungo sa Board of Investments (BOI).

Sinabi kahapon ni Diokno na ang isyu sa WFH arrangement para sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) o mga call center ay nalutas sa pagpupulong ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) na ginanap noong Setyembre 14.

“Nagpulong ang FIRB kahapon, at napagdesisyunan namin na magkakaroon ng maayos na paglipat ng mga benepisyo mula sa PEZA hanggang BOI, para masolusyunan ang problema,” sabi ni Diokno na siya ring FIRB chairperson.

“Ang mga tax incentive ay magpapatuloy, ngunit sila [mga BPO] ay maaaring pumili na gawin ito mula sa bahay,” dagdag pa ng kalihim.

Sa pamamagitan ng FIRB Resolution No. 017-22, kinakailangang magkaroon ng 70% ng mga manggagawa ng BPO ang magtrabaho sa lugar ng kompanya habang 30% ay pinapayagan sa ilalim ng WFH arrangement. (Betchai Julian)

The post Work from home tuloy sa mga call center first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments