Ermat ginilitan sa P650M mana

Para makubra ang kanyang mana, nagawang gilitan ng isang anak ang kanyang 65-anyos na ina.

Inamin ng estudyanteng anak ang pagpatay sa kanyang ermat para makamkam na ang nasa P650 milyon niyang mana.

Ayon sa ulat sa Yahoo News, nag-plead ng guilty si Jared Eng, 25, sa one count ng second-degree murder sa Manhattan Supreme Court noong Setyembre 16.

Kaugnay ito sa pagpatay sa kanyang inang si Paula Chin, noong 2019 sa kanilang apartment sa Tribeca, New York City saka ibinasura ang bangkay nito sa Morristown, New Jersey.

Nilaslas umano ni Eng, nag-aaral sa SUNY New Paltz, ang lalamunan ng ina at ginulpi noong Enero 31, 2019.

Kakuntsaba pa niya ang girlfriend na si Jennifer Lopez, 18, na naglinis ng apartment at dinala ang bangkay sa isang family home sa Morristown gamit ang sasakyan ng biktima.

Ang isa pang kakuntsaba na si Caitlyn O’Rourke, 21, ang nagsiksik sa garbage can ng bangkay ng biktima.

Matapos ang pagpatay, dali-dali umanong pinalitan ni Eng ang mga password ng mga bank account ng ina at humanap ng mga inheritance lawyer.

Mahaharap si Eng sa hindi bababa sa 18 taon pagkakulong at walang inirekomendang piyansa.

Nakatakda siyang hatulan sa Oktubre 18. (IS)

The post Ermat ginilitan sa P650M mana first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments