Ilang health center sa Nueva Ecija, binayo

Ilang health facility sa Nueva Ecija ang iniulat ng Department of Health (DOH) na nasira sa pagbayo ng Typhoon Karding sa Luzon.

Ani Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kabilang sa damage na iniwan ni “Karding” sa mga health facility ang nabasag na mga glass pane, bubong ng isang ospital at tumagas ang bubong ng isang drug treatment center.

Sinabi ito ni Vergeire sa situational briefing para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“This is a lower-level facility also in Nueva Ecija where the roof of the hospital was ripped off. So mayroong isang area, sa lobby po ‘yun at saka sa emergency room. Nailagay ‘yung mga pasyente naman ibang area ng ospital. This is just a small facility, infirmary lang naman po,” saad ni Vergeire. (IS)

The post Ilang health center sa Nueva Ecija, binayo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments