Esmi tsinugi ni mister sa selos

DAHIL umano sa sobrang selos, todas ang isang misis matapos bugbugin ng kanyang mister sa Barangay Manga, Aringay, La Union, ayon sa Aringay Police Station (APS) kahapon.

Kinilala ang biktima na si Rellyn Ramos, 38, ng nasabing barangay. Samantala ang inaresto namang suspek ay si Ferdinand Ramos, 37.

Sa imbestigasyon, ayon na rin sa APS, nagresponde sila kasama ang Municipal Rural Health Unit (MRHU) dahil sa tawag hinggil sa parricide incident.

Pagdating sa crime scene, nakita nila ang biktima na nakahandusay at duguan sa loob ng kuwarto na dead-on-the spot, ayon na rin sa mga MRHU.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinabi ng menor-de-edad na anak ng mag-asawang Ramos na nagtalo ang mag-asawa hinggil umano sa selos.

Arestado naman at nakakulong na sa APS jail ang mister. (Allan Bergonia)

The post Esmi tsinugi ni mister sa selos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments