Mister naburyong sa utang, tinodas dyowa

Dahil sa nagpatong-patong na utang, isang mister ang naburyong at napatay ang kanyang ka-live in matapos silang magtalo sa isang subdibisyon sa Tanza, Cavite Lunes ng madaling araw.

Hawak na ngayon ng Cavite Police ang 25-anyos na suspek na kinasuhan ng murder na si Glen Fuentes y Manili dahil sa pagpatay sa live-in partner nitong si Rutchie Elegio Jamero, 41, kapwa residente ng Block 4, Lot 7 Landmass Subd., Brgy Biga, Tanza, Cavite.

Si Rutchie ay binaril at napatay alas-tres ng madaling-araw noong Lunes sa loob ng kanilang bahay.

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario, ng Tanza Police Station, nakarinig ng putok ng baril at pag-iyak ng isang bata ang may-ari ng inuupahang bahay ng mag-asawa kasunod ng tunog ng isang motorsiklo na umalis sa lugar.

Pumasok ang may-ari ng bahay sa tinutuluyan ng mag-asawa kung saan nakitang duguan at nakabulagta sa kama ang biktima habang nasa isang sulok na umiiyak ang kanilang anak.

Sa imbestigasyon, dalawang basyo ng baril ng kalibre 9mm ang narekober sa crime scene.

Bago naganap ang insidente ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa hinggil sa kanilang mga pagkakautang sa iba’t-ibang tao. Ang dalawa ay kapwa vendor.

Naaresto naman sa isinagawang follow up operation ang suspek. (Gene Adsuara)

The post Mister naburyong sa utang, tinodas dyowa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments