Magpu-pulis tiklo sa P500K tsongki

Dinampot ng mga awtoridad ang isang criminology student matapos makuhanan ng nasa kalahating milyong pisong halaga ng mga pinatuyong dahon ng marijuana nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Lucena Police, naaresto sa buy bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng PDEA, CIDG at Quezon PNP ang 22-anyos na suspek sa Purok Riverside, Brgy. 1, alas-otso ng umaga.

Narekober dito ang 12 plastic na naglalaman ng mga dahon ng marijuana na tinatayang nasa mahigit isang kilo at may street value na ₱498,132. 00.

Ayon pa sa Lucena PNP, ang suspek ay nasa talaan ng mga SLI drug personality at nasa PNP watchlist.

Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165. (Ronilo Dagos)

The post Magpu-pulis tiklo sa P500K tsongki first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments