Kulungan ang kinahantungan ng isang babae na nagpapakilalang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nangongolekta ng pera sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4P’s) matapos madakip sa entrapment operation sa Caloocan City, kahapon.
Kinilala ni PCol. Ferdinand Del Rosario, hepe ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang naarestong suspek na si Myra Table, 43, naninirahan sa Block 16, Lot 106 Padas Alley, Barangay 12 ng nasabing lungsod.
Ayon kay Col. Del Rosario, bago ang pagkakadakip kay Table, dalawang kawani ng DSWD na naka-assign sa Navotas City ang nagtungo sa opisina ni PMajor David Chua, head ng Intelligence Unit (IU) ng CSPS.
Isinumbong nila ang suspek na nanghihingi ng P3,050 sa bawat beneficiaries ng 4P’s sa Northern Metro area.
Ang nasabing halaga ay bayad daw sa processing fee para sa medical examination, documentation at RT-PCR test, gayung libre ito sa DSWD at walang dapat bayaran.
Nahaharap ngayon si Table sa patung-patong na kaso tulad ng syndicated estafa, swindling at Usurpation of Authority. (Orly Barcala)
The post Pekeng empleyada ng DSWD, tiklo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments