Mga Pinoy worker nakatengga sa US military base

Ipinahayag kahapon ng MalacaƱang na hinihintay nito ang report ng Department of Migrant Workers (DMW) tungkol sa daan-daang manggagawang Pilipino na kasalukuyang nakatengga sa US military base sa isla ng Diego Garcia sa Indian Ocean.

Nabatid na nagkaroon umano ng isyu sa pagitan ng major US contractor at pamahalaan ng Pilipinas tungkol sa suweldo ng mga manggagawang Pinoy dahilan para matengga ang mga ito sa military base.

“For the moment, we’re relying [on] and monitoring from the Department of Migrant Workers. It’s still in the hands of Sec. Toots [Ople],” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang news briefing.

“We will wait for her report. MalacaƱang relies heavily on the people who are directly involved on this one,” added Cruz-Angeles.

Nauna rito, iniulat ng Washington Post na humirit ng umento ang mga opisyal ng Pilipinas para sa mga manggagawang Pinoy ng Kellog Brown & Root para makasunod sa US federal minimum wage.

Subalit nagpatuloy umano na pinagtatrabaho ang mga manggagawa sa kasalukuyan nilang suweldo. (Prince Golez)

The post Mga Pinoy worker nakatengga sa US military base first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments