2 estudyante umabsent para makahitit

Swak sa piitan ang dalawang estudyante na nag-cutting classes matapos na mahulihan ng hihithitin sanang marijuana sa loob ng isang park sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Sa report ng Kamuning Police Station (PS-10) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-12:40 ng hapon nang maaresto ang dalawang estudyante na parehong 15-anyos, sa Fitness Trail, Quezon City Memorial Circle, Brgy Central, QC.

Sa imbestigasyon ni PSSG Cliff Richard Delos Santos, ng PS-10, habang nagro-roving ang guwardiya na si Jeffrey Espares sa bisinidad ay naispatan nito ang dalawang binatilyo na abala sa ibinabalot sa papel.

Nang lapitan, nalaman ng sikyo na marijuana ang inirorolyo ng mga suspek dahilan upang agad silang arestuhin at dalhin himpilan ng pulisya.

Nabatid na nag-cutting classes umano ang dalawang estudyante at tumambay sa QC Circle kung saan hinihinalang doon isinasagawa ang kanilang session. (Dolly B. Cabreza)

The post 2 estudyante umabsent para makahitit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments