Davao niyanig ng magnitude 5.3

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Davao del Sur nitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa ahensya na tumama ang lindol ng alas-10:06 ng umaga sa southwest ng Davao City.

Bunsod ng insidente’y pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na maging alerto dahil sa inaasahang aftershocks. (IS)

The post Davao niyanig ng magnitude 5.3 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments