NI: ROLDAN CASTRO
Nasungkit ng ABS-CBN, ang nangungunang content provider ng bansa, ang 16 national honors sa 2022 Asian Academy Creative Awards (AAA). Katatawanin muli nito ang Pilipinas sa regional awards sa Singapore sa Disyembre 8.
Makakalaban ng 16 na programa at personalidad ng ABS-CBN ang mga national winner mula sa ibang bansa sa Asia Pacific, kabilang ang kasalukuyang Best Entertainment Host na si Vice Ganda na nominado muli sa parehong kategorya.
Mayroong anim na national winner titles naman ang “The Broken Marriage Vow” kasama rito sina Jodi Sta. Maria bilang Best Leading Actress at Zaijan Jaranilla bilang Best Actor in a Supporting Role. Tinanghal din ang hit series bilang national winner para sa Best Adaptation of An Existing Format, Best Promo o Trailer, Best Editing (Rommel Malimban), at Best Theme Song o Title Theme (“Gusto Ko Nang Bumitaw” ni Morissette).
Panalo naman ang “It’s Showtime” ang dalawang titulo sa kategoryang Best General Entertainment, Game, o Quiz Program at Best Direction (John Moll).
Apat na programa ng ABS-CBN din ang nanalo sa kani-kanilang kategorya. Ito ang “KBYN: Kaagapay ng Bayan” (Best Current Affairs Program or Series); “ASAP Natin ‘To” (Best Music or Dance Programme); “Maalaala Mo Kaya – Beauty Behind Bars Episode” (Best Single Drama o Telemovie/Anthology Episode); at “The Crawl Singapore” ng Metro Channel (Best Lifestyle Programme).
Hindi rin nagpahuli ang ibang Kapamilya artists nang masungkit nila ang kanilang national winner titles kabilang si Dimples Romana ng “Viral Scandal” (Best Actress in a Supporting Role) at Pepe Herrera ng “My Papa Pi” (Best Comedy Performance).
Samantala, Best Feature Film naman ang “Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine).”
The post ABS-CBN humakot ng award sa ASIAN ACADEMY CREATIVE AWARDS first appeared on Abante Tonite.
0 Comments