Annabelle hindi nagparetoke sa mukha

NI: VINIA VIVAR

Itinanggi ni Annabelle Rama na nagparetoke siya ng mukha tulad ng espekulasyon ng mga netizen.

Marami kasing nakapuna na bumata siya nang bonggang bongga sa mga larawang kuha sa kanyang 70th birthday celebration last week.

Ang hinala raw ng mga netizen ay nagparetoke siya ng mukha.

Kaya naman sa kanyang Instagram post kahapon ay sinagot niya ang espekulasyon na ito.

“Ang daming nag comment na I look so young baka daw nagpa retoke ako. Simula ng bata pa ako hanggang ngayon never akong nagpa gawa sa mukha at sa buong katawan ko,” sey ni tita Anabelle.

“What you see is what you get at unang una takot ako sa operation at injection,” patuloy niya.
Aniya ay nagpapa-facial lang siya

The post Annabelle hindi nagparetoke sa mukha first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments