Matteo inurot na sumabay sa public apology ni Sarah

Tsinek namin ang Instagram ni Matteo Guidicelli kung pinasok na ba ng mga basher at mga hate comments dahil siya nga raw ang dahilan kung bakit may isyu si Sarah Geronimo sa mga magulang niya.


So, far, wala naman kaming nababasa pa at puri papuri ang mga nabasa namin dahil sa pagtatapos ni Matteo ng training sa VIP Protection Course Class 129-2022.

May award pa nga si Matteo, number three sa Sharpshooter NR 3 na kinabibilangan ng 80 students. Very proud na hawak ni Sarah ang Certificate of Merit na ibinigay sa mister.

Sa ibang website, may mga nabasa kaming dapat sabayan ni Matteo ang effort ni Sarah na maalis na ang tampo ng parents nito sa kanya. Dapat daw suyuin at ligawan ni Matteo ang parents ni Sarah. Tnuruan pa siya kung ano ang dapat niyang gawin at sabihin.

Wala tayong alam sa mga nangyayari sa pribadong buhay ng mga involved. Baka naman nagawa na ni Sarah at ni Matteo na humingi ng apology in private, hindi lang umepekto, kaya ginawa ng public ni Sarah ang paghingi ng tawad.

‘Mamasapano’ hindi na pang-horror ang poster

Pinost ni Boracho Film Production producer Atty. Ferdie Topacio ang bagong poster ng “Mamasapano Now It Can Be Told” na ibang-iba sa unang poster. Kung ang una ay madilim ang background, ang bagong version ng movie poster ay white ang background . Kitang-kita ang toy soldier na nasa lupa na, nakahiga sa dugo at hindi sa kamay ng tao. May kasama ring three bullets ang poster.

Ang sabi ng scriptwriter ng movie na si Eric Ramos, papalitan ang poster dahil mukhang horror movie at totoo nga, karayom na lang ang kulang at parang voodoo doll na ang toy soldier.

Malinaw na ring nababasa ang mga pangalan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica at Paolo Gumabao na mga bida ng “Mamasapano.” Below the title na rin ang pangalan ng director ng movie na si Director Lester Dimaranan.

In fairness, sa bagong version ng poster, mas maganda ang billing ni Gerald Santos at pangalan lang niya ang nakasulat below the title. The rest of the cast gaya nina Allan Paule, Rey Abellana at Jojo Abellana, nasa ilalim ng pangalan ni Gerald.

Sa mediacon ng “Mamasapano Now It Can Be Told,” natanong si Atty. Topacio kung ano ang gusto niyang ma-achieve sa pagpapalabas ng nasabing pelikula?

“To perpetuate the memory of SAF44 and show the flawed in government. This is a movie that should reach all Filipinos,” natatandaan naming sagot ni Atty. Topacio.

Isa sa entry sa 2022 Metro Manila Film Festival ang “Mamasapano Now It Can Be Told.” Ayaw sabihin ni Atty. Topacio ang total cost ng movie at baka maiyak lang daw siya. Ibig sabihin, malaki ang total cost sa paggawa nito.


Miggs ‘di nagpasapaw kay Aiko

META: Kailangang makipagsabayan ni Miggs Cuaderno sa acting ni Aiko Melendez. Hindi siya nagpasapaw.

Ginagampanan ni Miggs Cuaderno sa “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” ang role ni Petersen, ang rebeldeng anak ni Lily Chua (Aiko Melendez) at kailangang makipagsabayan ni Miggs sa acting ni Aiko. Pinasasalamatan niya rito ang Regal Entertainment sa pagka-cast sa kanya bilang anak ni Aiko.

Nagkasama na sina Aiko at Miggs sa 2014 Cinemalaya film na “Asintado” bilang mag-ina.Ganoon din sa “Prima Donnas” ng GMA-7, kaya alam na nila kung paano mgtrabaho ang isa’t isa. Hindi nagpasapaw si Miggs kay Aiko.

Nagpapasalamat din si Miggs kay Director Joey Reyes, ang creative head at writer ng third installment ng Mano Po Legacy sa malaking tiwala sa kanya. Nalaman ni Miggs na isinulat ni Direk Joey ang role ni Petersen para kay Miggs.

“Grabe po ‘yun. Sabi ko, ‘grabe, direk.’ Sobrang thankful at the same time, I’m so pressured kasi,” pag-amin ni Miggs.

“Pero ‘yung pressure na ‘yun is what keeps me going talaga. Binibigyan ako ng role na napakaganda nina Ma’am Roselle (Monteverde), Sir Joey Reyes, Sir Joey Abacan. Pressured pero I’m really thankful. Gagalingan pa natin,” patuloy ni Miggs.

Nagsimula na ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” na tatakbo ng 11 weeks.

The post Matteo inurot na sumabay sa public apology ni Sarah first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments