Bagong sapol ng Omicron, Delta variant higit 2K

May dagdag na bagong kaso ng Omicron subvariant at Delta ang Department of Health na lagpas 2,000.

Ayon kahapon sa DOH ang Omicron subvariant ay nasa 1,308 ang bagong kaso habang 94 pang Delta variant ang nasipat.

Base to sa pinakahuling sequencing nitong Oct. 7-10 kung saan ay may 605 pang BA.5 case; 18 BA.4; limang BA.2.75 infection; at 680 na tinatakang ‘other sublineages’.

Sa mga bagong BA.5 case, 603 ay sa mga rehiyon at dalawa ang returning overseas Filipinos (ROFs). Ang Soccsksargen ang may pinakamataas na kaso na may 145 at sinundan ng National Capital Region, 107.

Ang 94 bagong Delta ay na-detect sa Cagayan Valley, Calabarzon, Central Visayas, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at NCR.

The post Bagong sapol ng Omicron, Delta variant higit 2K first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments