Naaresto ang 272 indibidwal na mayroong warrant of arrest matapos na kumuha ng police clearance, ayon sa Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detection Management.
Sa pagdinig na isinagawa ng House Committee on Public Order and Safety, sinabi ni Police General Samuel Nacion na suportado ng PNP ang panukalang pagkakaroon ng national police clearance system.
Paliwanag ni Nacion sa kasalukuyan ay hindi magkakaugnay ang database ng mga kriminal ng iba’t ibang presinto kaya ang isang indibidwal ay maaaring makakuha ng clearance na wala itong rekord kahit na siya ay mayroong kinasasangkutang krimen sa ibang lugar.
“As of today, a total of 272 individuals were already arrested upon discovery through the national police clearance system that they have standing warrant of arrests,” sabi ni Nacion. (Billy Begas)
The post 272 wanted bistado sa police clearance – PNP first appeared on Abante Tonite.
0 Comments