Brillantes dinedma, dinaan-daanan ni Rivero

ARCHIE LIAO
Photo: Andrea & Ricci

Nag-react ang ilang mga katkatera at sawsawera kaugnay ng pagpe-feature ni Andrea Brillantes sa kanyang dyowang si Ricci Rivero sa kanyang vlog.

Aniya, nakilala raw niya noon ang star basketball player sa Xylo, isang nightclub sa BGC.

Mending a broken heart daw siya noon dahil fresh pa siya sa pakikipaghiwalay kay Seth.

Niyaya raw siya noon ng kanyang mga kaibigan na mag-chillax at magwalwal sa nasabing night spot para makalimot.

Dahil sa constant prodding ng friends, pumayag daw siya pero lingid daw ito sa kaalaman ng kanyang ina.

Gayunpaman, ipinagtapat na rin daw niya sa kanyang Mom Mabel sa huli ang pagtakas niya para lamang um-attend sa naturang party.

First impression daw niya noon kay Ricci ay suplado, isnabero at mayabang ang boyfie.

Katunayan, sa bar daw nang nag-meet sila, dinaan-daanan lang daw siya nito at hindi pinapansin.

Ayon naman kay Ricci, ang Kapamilya actress ang unang gumawa ng first move sa relasyon nila.

Matapos umano nilang magkita sa nabanggit na bar ay si Andrea na ang unang nag-follow sa kanya.

Hindi din umano nag-confess si Ricci na gusto niya si Andrea dahil napag-usapan na lamang nila na parehas umano nilang gusto ang isa’t-isa.

Isa raw sa mga dahilan na nag-swak ang kanilang personalidad ay dahil may pareho silang interes sa astrology.

Parang nakita raw niya iyong sign na baka sila ang itinadhana sa isa’t-isa.

Sa naturang vlog, sinabi rin ni Andrea na edited umano ang ipinost ng isang babae na nagsabing ni-like ni Ricci ang IG story niya na nakasuot ng swimwear.

Aniya, isa lamang umano ito sa negatibong epekto ng pagkakaroon ng relasyon na bukas sa publiko.

Sa palitan naman ng kanilang mga paliwanag, napansin ng kibitzers ang pagiging mas vocal ni Andrea kay Ricci sa kanilang relasyon.

May mga pagkakataon pa ngang nauuwi ang kanilang diskusyon sa pagtatalo.

Dahil dito, may kibitzers na nagsasabing hindi pa man ay gusto nang ánderin’ ni Blythe ang nobyo.

The post Brillantes dinedma, dinaan-daanan ni Rivero first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments