Nakapagtala ng 313 volcanic earthquake ang Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras at patuloy itong nagbubuga ng asupre, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Maliban sa ipinakikitang aktibidad ng bulkan, sinabi ng Phivolcs na makikita rin ang pamamaga nito habang nasa 2789 tonelada ang ibinubuga na sulfur dioxide.
Patuloy na nakataas ang alert level 1 sa Bulkang Bulusan na nangangahuluhang nasa “low-level unrest” ito at may posibilidad na sumabog anumang oras.
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente habang inabisuhan ang mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang hindi pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone at sa two-kilometer extended danger zone sa southeast sector ng bulkan. (Tina Mendoza)
The post Bulkang Bulusan nagparamdam sa 313 lindol first appeared on Abante Tonite.
0 Comments