Denise nilabas bagsik ng parther

NI:ARCHIE LIAO

Na-enjoy ni Adrian Alandy ang pakikipagtrabaho kay Denise Esteban na palaban hindi lang sa pag-arte kundi pati sa hubaran.

Para kay Adrian lumalabas ang kanyang bangis kapag palaban ang kaeksena niya.

Hirit pa niya, kapag daw game ang kapareha ay doon siya nacha-challenge.

Iyong wild o dark side raw niya ay nabubuhay sa challenging roles na kanyang ginagampanan.

Kaya naman sa pelikulang Kara Krus na palabas na sa Vivamax simula sa Nobyembre 4,feeling niya ay na-unleash niya ang kanyang ‘dragon’ lalo na sa mga eksena nila ni Denise .

Ito rin daw ang pelikula kung saan gumawa siya ng multiple sex positions sa kanyang partner.
Pinaghandaan din daw niya ang kanilang mga eksena sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kanyang pang-romansang katawan.

Bukod kay Denise kasama rin sa cast sina Felix Roco, Ali Asistio, Alona Navarro, Mickey Ferriols, Raquel Montesa at Ali Khatibi

The post Denise nilabas bagsik ng parther first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments