Inatasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang mga gabinete partikular si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr., na pag-aralan kung papaano mapag-iibayo ng gobyerno ang pagbibigay ng warning sa pagbaha at evacuation kasunod ng pagkamatay ng tinatayang 40 katao sa Maguindanao dahil sa bagyong Paeng.
Sa ginanap na pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, sinabi ni Marcos na mahalaga sa gobyerno “to look back and see why this happened.”
“We could have done better in Maguindanao in terms of preparing because it’s a little too high. We should have done better than that,” ayon sa Pangulo.
“Hindi natin nawarningan ‘yong mga tao, and to evacuate there out of the way of the incoming flash flood,” dagdag ni PBBM.
Pero giit ni Solidum ay naabisuhan ang mga tao kaugnay sa rainfall forecast sa Maguindanao na mauuwi sa pagbaha.
“That’s something that we’re going to study a little bit more after we have attended to the immediate concerns,” sabi pa ng pangulo.
The post PBBM sinita diskarte kay ‘Paeng’ first appeared on Abante Tonite.
0 Comments