DSWD nag-sorry sa naantalang 4Ps ayuda

Oktubre 7 pa pumasok ang tulong pinansyal para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ngunit hindi umano nila ito ma-withdraw.

Kabilang sa mga hindi makapag-withdraw si Baikan Tasil.

Aniya, nakikita naman niya ang laman ng kanyang ATM pero hindi niya mailabas ang pera.

“‘Sorry your account is blocked’ parang ganun ‘yung nakasulat eh. Nakikita po namin kung magkano ang laman pero hindi po namin ma-withdraw. Mahirap po talaga kasi kailangan namin sa mga estudyante ko,” saad ni Tasil sa interview sa ‘TV Patrol’.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang nangyari ay dahil sa technical error.

“Humihingi ng paumanhin ang DSWD sa pagkakaantala ng cash grants. Nagkaroon lamang ng technical error sa sistema ng DSWD na agad naming inasikaso,” anang ahensya. (Issa Santiago)

The post DSWD nag-sorry sa naantalang 4Ps ayuda first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments