Angeline todo tawa sa video kay Erik

NI: BETH GELENA

Binati ni Angeline Quinto ang bestfriend niyang si Erik Santos ng Happy Birthday.

Partner in crime ang dalawa noon sa shows nila.

Lagi sila ang magkasama kaya alam na alam na nila ang likaw ng kanilang bituka sa isa’t isa.

Noon ay laging tinutukso ng mga kasamahan nilang singer sina Erik at Angge.

Dahil sila ang laging magkasama sa bawat projects ay na-develop sila sa isa’t isa.

Sinubukan naman nila na maging mag-sweethearts lalo na sa parte ni Angge, pero hindi sila nag-jibe as sweethearts kundi BFF.

Masaya naman ang dalawang singer sa kanilang sitwasyon lalo na’t natagpuan na ni Angge ang man of her life.
Si Erik hanggang ngayon ay single pa rin.

After ng relasyon nila ni Rufa Mae Quinto ay hindi na siya muling nagka-girlfriend.
Mukhang kuntento na rin naman as a bachelor ang singer at masaya siya para sa kanyang BFF lalo na at may isa na itong anak na lalaki.
Ang caption ni Angge sa video na kanyang pinost: “Happy Happy Birthday Pogs @erikssantos tawang tawa pa rin ako sa video mu na to. Maligayang kaarawan sayo Ten ten. “

Mukhang na-surprise naman si Erik at speechless.

Ang tanging reply niya sa kaibigan ay “Geeeeeee.. thank you Ge!! with two red hearts emoji.”

Sa haba ng pagkakatawag ni Erik na Geeee.. na-feel niyang mahal pa rin siya ng kaibigan.

The post Angeline todo tawa sa video kay Erik first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments