Jennylyn trip bigyan ng aliw ni Migs

NI: ARCHIE LIAO

Deklara ni Migs Almendras, hindi pa raw siya dumarating sa puntong naging desperado pagdating sa pananalapi para ibenta ang kanyang katawan.

Gayunpaman, ayaw raw niyang i-judge ang mga taong willing isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Siguro raw kung matter of life and death o nag-aagaw buhay ang isa sa miyembro ng pamilya niya at wala siyang pantustos para maisalba ito, baka raw sumagi sa isip niya na gawin ito.

Theoretically, inurirat din siya kung sakaling isa siyang male prostitute, sino raw sa local celebrities ang gusto niyang bigyan ng service o paligayahin.

Wala namang kagatul-gatol na sinabi ni Migs na type niya sina Jennylyn Mercado at Heart Evangelista.

Ani Migs, gandang-ganda raw kasi siya kina Heart at Jen. Gagawin niya ang lahat para mapaligaya ang mga ito.

Katunayan, pagbibiro niya, hindi na rin daw siya magpapabayad dito.

Si Migs ay kasama sa cast ng An/Na ni Direk Jose Javier Reyes na pinagbibidahan ni 2019 Ms. Earth Philippines Janelle Tee.

Sa four-part mini series, ginagampanan niya ang role ni Jason, isang sex worker na nagpasok kay Anna (Janelle) sa agency.

Palabas na ito sa Vivamax.

The post Jennylyn trip bigyan ng aliw ni Migs first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments