NI: BETH GELENA
Nakatutuwa naman ang mag-iinang Revilla na sina Congresswoman Lani Mercado-Revilla, Jolo at Bryan, aba nag-aaral pala sila ng Governance sa De La Salle Dasmarinas, Cavite, kasama ang kanyang mga anak na pareho ring mga Kongresista.
Imagine magkaklase ang mag-iinang politiko sa iisang eskwelahan.
Si Cong. Lani ang representative ng 2nd district ng Cavite. Ang panganay niyang anak na si Bryan Revilla ay 1st nominee ng Agimat Partylist, at si Jolo naman ang Representative ng 1st district ng Cavite.
Nagustuhan umano ng mag-inang Cong. Lani, Bryan at Jolo ang mga pinag-aaralan nila sa DLSU-Dasmariñas dahil mas binabase raw yun sa poitika dito ngayon at hindi yung dating pinag-aaralan noon.
May nagtanong kay Lani kung may panukala ba ang Kongreso para sa Sining at Kultura?
“Oo, tinulak ni Christopher de Venecia who heads the committee on Culture and Arts sa Congress.
“In place na naman yung batas, e. So kailangan talaga mapondohan at matulungan ng different Culture and Arts sectors,” ani ni Kong. Lani.
Hindi lang daw sa pelikula o musika. May dance, visual arts, painters din daw.
Hindi masyadong napahalagahan ang Arts and Culture ng bansa.
“Kung nakakapag-shoot ng mga pelikula sa ibang bansa, sana mas magbukas tayo ng paggawa ng mga foreign films dito sa atin,” aniya pa.
The post Jolo, Bryan, Lani magkaklase first appeared on Abante Tonite.
0 Comments