Kelot naburyong sinunog 3 haybol sa Taguig

Kalaboso ang isang lalaki nang walang habas nitong sunugin ang kanilang bahay na nagresulta sa pagkatupok ng tatlong bahay sa New Lower Bicutan, Taguig City kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, inaresto ang suspek na si James Harris, 35.

Dinakma ito pagkatapos sunugin sa pamamagitan ng lighter ang kutson na mabilis na nagliyab at kumalat ang apoy at nadamay ang kalapit pang bahay alas-9:00 ng gabi.

Tumagal ng higit isang oras ang sunog na umabot sa unang alarma.

Base sa imbestigasyon, problema sa pamilya ang naging motibo ng suspek para sunugin ang bahay.

Siyam na pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong arson na isasampa laban sa suspek. (Betchai Julian)

The post Kelot naburyong sinunog 3 haybol sa Taguig first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments