Ang daming violent reactions mula sa netizens sa reklamo ni Sharon Cuneta na hindi siya pinapasok sa Hermes store sa South Korea.
Matatandaang sa latest vlog ni Sharon tungkol sa travel nila ng pamilya sa South Korea ay ikinuwento niya na hindi siya pinapasok sa Hermes store.
“Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw akong papasukin,” sey ni Sharon sa vlog.
Sa halip ay sa Louis Vuitton store siya pumunta at halos namakyaw si Mega ng items doon.
Ang daming naimbiyernang fans sa ginawa kay Sharon and for sure ay nabasa ito ni Mega kaya naglabas siya ng pahayag tungkol dito at nakiusap sa netizens na huwag daw sanang magalit sa nangyari.
Ipinaliwanag ni Sharon na may mga sinusunod lang daw na protocols ang mga tindahan.
“Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time – sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store,” paliwanag ni Shawie.
Nanghinayang lang daw siya talaga sa belt na balak niya sanang bilhin sa Hermes.
“Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang. Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!” sey pa ni Shawie.
The post Huwag maimbyerna sa Hermes- Sharon first appeared on Abante Tonite.
0 Comments