Ketchup, lotion bagong modus ng kawatan

Buking ang bagong modus ng mga kawatan nang ilahad ng kanilang nabiktima ang bago nilang pauso.

Naitampok sa Abante Teletabloid na nabudol ang isang lalaki mula sa Malolos, Bulacan matapos madale ang kanyang cellphone sa ketchup modus.

Tinabihan umano ang biktima sa jeep ng isang suspek at nilansi na may bahid ng ketchup sa damit.

Napagtanto na lang ng biktima na wala na ang kanyang cellphone niya tangay ng kasabwat ng suspek.

Bukod sa Bulakenyo, isa pa na mula sa Cagayan de Oro ang nabiktima ng mga kawatan kung saan lotion naman ang ginawang pakulo.

The post Ketchup, lotion bagong modus ng kawatan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments