Nene niluray ng tatay

Isang tindero ng prutas ang dinakma matapos niyang gahasain ang 12-anyos na anak sa Barangay Bambang, Pasig City.

Kinilala lamang sa alyas Jeff ang 47-anyos na ama.

Pag-uwi ng dalagita galing iskul at palengke noong Oktubre 11, naghihintay na umano ang ama nito sa higaan at sapilitan siyang hinalay.

Nagsumbong ang dalagita sa ina, na agad namang nagpasaklolo sa pulisya at Barangay Bambang Security Force kaya nadampot ang salarin. (IS)

The post Nene niluray ng tatay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments