Meta inalarma 400 Facebook app talamak sa scam

Nagbabala ang isang opisyal ng Meta Platforms Inc. sa publiko na mag-ingat sa mga dina-download sa social media matapos madiskubre ng Facebook na aabot sa mahigit 400 ang mga app na nagnanakaw ng personal na impormasyon ng mga netizen.

Ayon sa ulat, ang mga app na nadiskubre ng Meta ay tulad ng photo editor at mga laro kung saan hinihingan ang mga user ng kanilang social media account bago magamit ang mga ito.

“The applications would disguise themselves on app stores as things like photo editors, mobile games, health and lifestyle trackers,” wika ni Meta director of threat disruption David Agranovich.

Nahihikayat umano ang mga netizen na i-download ang mga app dahil sa mga feature nito.

“The applications would promise features like the ability to turn a photo of yourself into a cartoon, but as soon as you download and open the app, it would prompt you to log in with Facebook,” ani Agranovich.

Subalit walang datos ang Meta kung gaano karami ang nakapag-download ng mga naturang app. Bukod dito, ang mga app ay nada-download sa Apple at Android device.

Dahil dito, inabisuhan ng Meta ang kanilang mga user na baguhin ang password, i-enable ang two-factor authentication at ang login alert sa kanilang mga social media account.

“There are many legitimate apps on the Google and Apple stores that offer the ability to log in with Facebook credentials in safe and secure ways,” dugtong pa ni Agranovich.

Aniya pa, alam ng mga cyber criminal kung gaano ka-popular ang mga app na ito kung kaya’t ginagamit nila para manlinlang ng mga tao at nakawin ang account at iba pang impormasyon ng isang netizen. (Mark Joven Delantar)

The post Meta inalarma 400 Facebook app talamak sa scam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments