Mga gov’t agency kasado na sa pagsaklolo

Nakikiramay si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga pamilyang nawalan ng miyembro dahil sa bagyong Paeng.

“Our prayers go to the lives lost in the Aklan, Capiz, and BARMM flash floods, and to those who continue to be gravely affected by this calamity.” saad sa Twitter post ng Pangulo.

Sinigurado naman ni Pangulong Marcos na nakahanda ang Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Social Welfare and Development at Office of Civil Defense para tumulong.

Sa kasalukuyan ay 11 na lugar ang nasa ilalim ng Signal No. 3. Inaasahan naman na lalabas ng bansa ang bagyo bukas. (Carl Santiago)

The post Mga gov’t agency kasado na sa pagsaklolo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments