Sanya ‘walang ambisyon’ sa TikTok

NI: ALWIN IGNACIO

Sa TikTok video, may nagtanong kay Sanya Lopez kung ano ang plano nito sa buhay.


Playing for truth ang dating “Fiarst Lady” bida na ang sagot ay hindi niya alam. Matapos ang ilang segundo, ang hirit nito ay “Pwede pakopya na lang?”


At kahit pa nga ang sarap buhukan ni Sanya dahil parang babaing walang ambisyon at malay ang pagi-emote, ang mga netizen, hindi magawang mainis sa kapatid ni Jak Roberto .Dakila kasi ang ganda nito at ang pangrahuyong natural, pangmalakasan, huh!

Kaya nga ang mga nagmamahal kay Sanya eh abang na abang kung ano ang susunod na kabanata sa kanyang karera .Miss na miss nila ang mahusay nitong pag-arte at siyempre ang pangmalakasan nitong alindog at rikit.

@sanya_lopez

♬ original sound – jiabibii 🌱

The post Sanya ‘walang ambisyon’ sa TikTok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments