Ivana ligwak sa ‘kemikal’

NI: ALWIN IGNACIO

Ang millennial bathaluman Ivana Alawi talagang tunay na maalindog at marilag sa kanyang TikTok video. May alpabetong lilitaw sa kanyang noo at may mga kategorya, na kung susuriin maigi eh parang tanong, na ang mga sagot ay dapat magsisimula sa bumulugang letrra

Sa M lahat nagsisimula ang dapat sagot ni Alawi .

Mabilis naman ang kanyang tugon. May tatlong tanong lang na pinag-isipan niya talaga, sa body part, hindi siya confidently beautiful sa pagsagot sa “muscle.” Ilang Segundo rin siyang nag-isip para sa animal, na ang kanyang sagot ay “monkey” Sa “job”,kakatuwa na “mamanahi” ang kanyang sinambit kahit pa nga English quiz ito. Sa chemical element siya super ligwak “Manganese” ang tiyak na kanyang iniisip pero ang sinambit niya ay pangalan ng isang ice cream brand. At kahit siya’y tuwang-tuwa sa sagot niyang ewan sa sport na “multi-tasking”.

Ang pinaka-panalo niyang sagot ay ang pagsambit niya sa “Manila City” na damang-dama na proud siya sa capital ng bansa at ang kanyang famous person of choice ay si Marilyn Monroe.

May nag-react pa nga na kawangis niya daw ang ultimate blonde bombshell.

@ivanaalawi Hays easy 🤪 #fyp #foryou ♬ original sound – Ivana Alawi

@ivanaalawi Hays easy 🤪 #fyp#foryou♬ original sound – Ivana Alawi

The post Ivana ligwak sa ‘kemikal’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments